Omicron ‘di pa nakapapasok sa Pinas- DOH

Omicron ‘di pa nakapapasok sa Pinas- DOH

December 9, 2021 @ 4:00 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Mula sa 48 samples na na-sequence kahapon ng Philippine Genome Center, sinabi ng Department of Health (DOH) na wala pa ring na-detect na Omicron (B.1.1.529) variant sa bansa.

Sa bilang ng samples na ito, 38 (79.17 porsyento) ang Delta (B.1.617.2) variant cases; habang ang iba ay non-VOC lineages o walang  lineages na natukoy.

Ang pinakahuling sequencing run ay binubuo ng 12 returning overseas Filipinos (ROFs), 36 local cases mula sa mga lugar na may high-risk average daily attack rates at case clusters.

Sa karagdagang 38 Delta variant cases, 31 ang local cases at 7 ang ROFs.

Dalawang ROFs ang may mga kasaysayan ng paglalakbay mula sa Turkey at isang ROF bawat isa mula sa Jordan, Mexico, The Netherlands, Panama at Peru.

Sa 31 local cases, anim na kaso ang nakatira sa Cagayan Valley Region, habang limang kaso ang mula sa Cordillera Administrative Region, tig-tatlong kaso sa  MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, SOCCSKSARGEN, at National Capital Region, tig-dalawang kaso sa Central Luzon at CALABARZON, at isa sa Davao Region.

Sa kasalukuyan, ang kabuuang Delta variant case ngayon sa bansa ay umabot na sa 7,886.

Ang mga karagdagang kaso ng ROF at mga lokal na kaso mula sa mga lugar na may pagtaas ng kaso o clustering  ay uunahin para sa sequencing kapag natanggap na ng UP-PGC ang mga sample na ito.

Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang DOH sa mga COVID-19 testing laboratories para mapabilis ang paghahatid ng mga sample. Jocelyn Tabangcura-Domenden