Omicron ‘di pa nakapapasok sa Pinas- DOH

Omicron ‘di pa nakapapasok sa Pinas- DOH

December 6, 2021 @ 2:12 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Wala pa ring naitatalang kaso ng Omicron variant, base sa pinakahuling sequencing ng Philippine Genome Center sa mga samples hanggang nitong Disyembre 6.

Ito ang kinumpirma ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa virtual media forum ngayong Lunes.

Ayon kay Vergeire mula sa 19,305 samples na may lineage, pawang mga Delta, Alpha at Beta lamang ang natukoy.

Sa naitalang arrivals mula Nobyembre 15 hanggang 29, mayroong 253 indibidwal ngayon na galing South Africa ang mino-monitor na ng DOH.

Ito aniya ang mga bina-backtrace ngayon na mga indibidwal para makita kung sino sa kanila ang magpopositibo kapag nag-retest.

Sa ngayon aniya ay nagku-quarantine na lahat ang mga nalocate. Jocelyn Tabangcura-Domenden