Omicron, dominant variant na sa Pinas – Duque

Omicron, dominant variant na sa Pinas – Duque

January 11, 2022 @ 6:50 AM 7 months ago


MANILA, Philippines — Pinalitan na ng Omicron variant ang Delta variant bilang pinakadominanteng variant ng COVID-19 virus sa Pilipinas, ayon kay Secretary Francisco Duque III.

Iniulat ito ng Health chief kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Talk to the Nation nito, Lunes ng gabi.

“Base sa aming huling genome sequencing, 60% ng samples ay positibo sa Omicron variant,” anang opisyal sa Pangulo.

“So it’s already the dominant variant — whereas before it was the Delta,” dagdag pa niya.

Nito lamang Enero 6 nang matuklasan ng Department of Health ang dagdag na 43 kaso ng Omicron variant sa bansa. RNT