Omicron dominanteng COVID variant na sa NCR – DOH

Omicron dominanteng COVID variant na sa NCR – DOH

January 18, 2022 @ 6:47 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Health (DOH) na maituturing nang pinakadominanteng COVID-19 variant na kumakalat sa sa National Capital Region (NCR) ang Omicron.

Base kasi sa mga sample na kinolekta para sa genome sequencing noong ikalawang linggo ng Enero, 97 porsiyento sa mga ito ay nakitaan ng Omicron, paliwanag pa ng DOH.

Sa 17 mga syudad at munisipalidad sa NCR, 15 dito ang nakitaan na umano ng Omicron variant. Hindi naman sinabi ng DOH kung alin ang dalawang wala pang Omicron virus.

 

Matatandaan na nitong linggo nang kupirmahin ng DOH na may community transmission na ng Omicron sa Metro Manila.

“These data not only establishes community transmission but also that omicron is the predominant variant in NCR,” ani Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire sa isang pahayag.

Paliawanag pa ni Vergeire na ang hindi pagkaka-detect ng Omicron sa dalawang lugar sa rehiyon ay posibleng dahil sa mababang sample submission.

Dagdag pa ng kalihim na hindi lang ang Omicron ang dapat sisihin sa pagsipa ng kaso ng COVID sa capital region kundi maging na rin ng pinaluwag na galaw, hindi pagsunod sa health standards, at mabagal na sa detection at pag-isolate ng mga may sakit. RNT