Omicron hadlang sa pagpapababa sa Alert Level 1 – Malakanyang

Omicron hadlang sa pagpapababa sa Alert Level 1 – Malakanyang

December 11, 2021 @ 10:56 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Hindi pa handa ang gobyerno na paluwagin ang quarantine restrictions dahil sa “inconclusive findings” sa uri ng bagong Omicron variant ng coronavirus.

Sinabi ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na hindi pa makagawa ng desisyon ang Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases dahil hinihintay pa nito ang “final conclusive data” ukol sa Omicron variant mula sa World Health Organization (WHO).

“Metro Manila and other provinces and cities in the country are under Alert Level 2, which will end on Dec. 15, but this will likely be extended to the end of the year,” ayon kay Nograles.

Aniya, maingat lamang ang IATF sa paglalagay sa mga lugar sa ilalim ng “least strict coronavirus (COVID-19) alert level” dahil sa maraming kawalan ng katiyakan ukol sa Omicron variant.

Sa ilalim ng Alert Level 2—ang second lowest sa bagong alert level system—may ilang establishments at activities ang pinapayagan sa 50% capacity indoors para sa fully vaccinated adults (at menor de edad kahit hindi bakunado) at 70% capacity outdoors.

Ani Nograles, ang laban sa pandemiya ay naka-angkla sa pagpapabakuna laban sa COVID-19.

“The direction of the Omicron variant is that it is less severe, and so the vaccines still remain highly effective against all variants. Vaccines work so we should get vaccinated,” dagdag na pahayag nito.

Layon ng pamahalaan na mabakunahan ang 54 milyong Filipino bago matapos ang taon, 77 milyon sa Marso 2022, at 90 milyon sa Hunyo 2022. Kris Jose