Omicron may kasunod pang variant – eksperto

Omicron may kasunod pang variant – eksperto

October 4, 2022 @ 6:50 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hindi sa COVID-19 omicron variant matatapos ang variant of concern sa kabila ng global rollout ng pagbabakuna, ayon sa infectious diseases expert nitong Martes.

“Definitely, hindi. Hindi magiging huling variant ang omicron dahil patuloy ang pag-mutate ng virus at marami pa ring mga tao, unfortunately, na hindi pa rin nababakuhan o hindi pa rin nabo-boost,” sabi ni Dr. Edsel Salvana sa isang televised briefing.

“Habang may mga tao pong ganiyan, may pockets na unvaccinated, the threat of a new variant is always there,” dagdag ni Salvana, miyembro ng technical advisory group ng Department of Health.

Nagbabala rin siya sa vulnerable groups na pinakadelikado sa COVID-19 infection.

Nanawagan siya sa publiko na agad na kumpletuhin ang primary series ng bakuna at magpa-booster.

Nakapagtala ang DOH nitong nakaraang linggo ng 1,400 karagdagang kaso ng COVID-19 omicron variant.

Hanggang nitong Oktubre 2, mahigit 73.1 milyong Pilipino ang fully vaccinated na laban sa respiratory disease, base sa DOH. RNT/SA