Omicron nasa 38 bansa na – WHO

Omicron nasa 38 bansa na – WHO

December 6, 2021 @ 8:51 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Naitala na sa 38 mga bansa sa buong mundo ang Omicron variant ng COVID-19.

Ito ay ayon sa World Health Organization (WHO) na sa kasalukuyan ay wala pa rin naman umanong naitatalang nasawi.

Pinakahuli ang Estados Unidos at Australia sa makapagtala ng local transmission ng Omicron variant.

Itinuturo rin na dahilan ang mas nakahahawang variant sa pagpalo ng kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa tatlong milyon.

Nagbabala naman ang WHO na posibleng abutin pa ng ilang linggo upang malaman ang mas marami pang impormasyon tungkol sa Omicron at kung gaano ka-epektibo ang COVID vaccine laban dito.

“We’re going to get the answers that everybody out there needs,” sinabi ni WHO emergencies director Michael Ryan.

Makapagpapabagal pa umano ng economic recovery sa buong mundo ang Omicron variant katulad ng nangyari noon namang kumalat ang Delta variant. RNT