Omicron pinakadelikado sa ‘di bakunado – WHO

Omicron pinakadelikado sa ‘di bakunado – WHO

January 14, 2022 @ 8:25 AM 1 week ago


GENEVA, Switzerland – Napakadelikado ng Omicron variant ng COVID-19 lalo na sa mga indibdwal na hindi bakunado laban sa virus, ayon sa World Health Organization (WHO).

Kinumpirma rin ng WHO na ang nararanasang global surte ng COVID-19 ay sanhi ng Omicron variant na mas nakahahawa umano kaysa sa donimanteng Delta variant.

Nito lang nakaraang linggo nang nakapagtala ang WHO ng 15 milyong kaso ng Omicron kung saan inaasahang mas marami pa ang hindi naitatala.

Sinopla rin ng WHO ang pinalulutang na posibilidad na ito na ang simula ng pagwawakas ng pandemya bunsod ng sinasabing mild lang umano ang naidudulot ng Omicron kaya ang lahat ng mahahawaan ay makakukuha ng antibodies o natural vaccine laban sa virus.

Nauna nang sinabi ng WHO na maling sabihing mild lang ang epekto ng Omicron kaysa sa Delta.

“While Omicron causes less severe disease than Delta, it remains a dangerous virus — particularly for those who are unvaccinated,” ani WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus sa isangs press conference.

“We mustn’t allow this virus a free ride or wave the white flag, especially when so many people around the world remain unvaccinated.”

Dagdag pa ni Tendros na ang “overwhelming majority” ng mga indibidwal na naoospital sa COVID ay mga hindi bakunado.

“More transmission means more hospitalizations, more deaths, more people off work — including teachers and health workers — and more risk of another variant emerging that is even more transmissible and more deadly than Omicron.”

Nananatili naman sa 50,000 kada linggo ang nasasawi sa COVID sa buong mundo, ayon pa kay Tendros.

“Learning to live with this virus does not mean we can, or should, accept this number of deaths,” giit pa niya. RNT