Omicron ‘sub-variant’ umusbong, ikinabahala

Omicron ‘sub-variant’ umusbong, ikinabahala

January 24, 2022 @ 11:22 AM 9 months ago


PARIS, France — Binabantayan ng mga siyentipiko ang umusbong na sub-variant ng Omicron para madetermina kung ano ang magiging epekto nito.

Sa ngayon, kumakalat sa buong mundo ang Omicron variant pero sinabi ng British health authorities na nakapagtala na ng daang kaso ang sub-variant nito na tinawag nilang BA.2.

Sinabi ng UK Health Security Agency (UKHSA) na higit 400 kaso ng BA.2 ang na-detect sa Britain sa unang 10 araw ng buwan.

Isinailalim naman ng UKHSA ang BA.2 sub-lineage bilang variant under investigation (VUI) dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso nito.

“There is still uncertainty around the significance of the changes to the viral genome,” ayon sa awtoridad na nangangailangan pa ng mas malalim na pagsusuri.

Nakitaan naman ng biglang pagtaas ng BA.2 sa India at sa Demark, dagdag pa ng UKHSA.

“What surprised us is the rapidity with which this sub-variant, which has been circulating to a great extent in Asia, has taken hold in Denmark,” ani French epidemiologist Antoine Flahault sa AFP.

Dagdag pa ni Flahault na hindi pa variant of concern ang BA.2 pero dapat maging alerto ang mga bansa rito. RNT