Omicron subvariant mas nakahahawa, pero ‘di mas malala – Denmark

Omicron subvariant mas nakahahawa, pero ‘di mas malala – Denmark

January 28, 2022 @ 7:06 AM 8 months ago


COPENHAGEN— Sinabi ng Denmark government official na ang BA.2 subvariant ng omicron coronavirus variant na dominante sa bansa ay lumalabas na mas nakahahawa kaysa sa BA.1 sub-lineage.

Sinabi ito ni Danish Health Minister Magnus Heunicke sa isang national address.

“There is no evidence that the BA.2 variant causes more disease, but it must be more contagious,” dagdag naman ni Heunicke sa news conference.

Sa kabilang banda, sinabi naman ng Denmark’s top infectious disease authority, Statens Serum Institut (SSI), na base sa kanilang unang kalkulasyon na ang BA.2 ay maaaring 1.5 beses na mas nakahahawa kumpara sa BA.1.

“There is some indication that it is more contagious, especially for the unvaccinated, but that it can also infect people who have been vaccinated to a greater extent,” ani SSI technical director Tyra Grove Krause sa nasabi ring briefing.

Bunsod nito, maaari umanong mapahaba pa ang pagkamit ng peak ng Omicron cases sa Denmark sa Pebrero, base pa sa pagtataya ni Krause.

Sa kabilang banda, mayroon ding lumabas na paunang pag-aanalisa sa Denmark na nagsasabing halos walang pinagkaiba ang dalawang sub-variant.

Sa buong mundo, nasa 98% ng Omicron cases ay BA.1 lineage pero iba sa Denmark kung saan mas dominante ang BA.2 sa ikalawang linggo ng Enero.

Matatandaang tianwag ng UK Health Security Agency ang BA.2 bilang variant under investigation.

Nakita rin naman ang BA.2 cases sa Britain, Sweden at Norway pero hindi kasing grabe nang sa Denmark. RNT