Omicron-targeted jabs idideliber na sa Oktubre-BioNTech

Omicron-targeted jabs idideliber na sa Oktubre-BioNTech

August 9, 2022 @ 11:47 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inaasahan na ng BioNTech na sisimulan ang deliveries ng dalawang Omicron-adapted na bakuna sa Oktubre.

Giit pa ng kompanya maaaring tumaas ang demand nito sa ikaapat na kwarter ng taon.

Paalala pa ng German firm na ang 3.6B doses ng bakuna na naipadala nito sa buong mundo ay humihina ang bisa sa nagdaang panahon bunsod na rin ng pag-usbong ng mga bagong variant ng COVID-19.

Gayunpaman, ang mga booster campaign na gumagamit ng mga na-upgraded na shot na partikular na tumatarget sa variant ng Omicron ay inaasahang tataas ang demand.

“With our strong performance year to date, we believe to be well on track to achieve our previous financial guidance for the ongoing financial year,” ani Jens Holstein, chief financial officer ng BioNTech.

“With our initiatives around variant-adapted COVID-19 vaccine candidates, we expect an uptake in demand in our key markets in the fourth quarter of 2022, subject to regulatory approval.” RNT