Omicron targeted vaccines bibilhin ng DOH

Omicron targeted vaccines bibilhin ng DOH

August 12, 2022 @ 6:20 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Handa ang Pilipinas na bumili ng ‘omicron adapted vaccines’ na tinawag rin na ‘new generation vaccines’ sa mga manufactures sakaling available na ito sa merkado.

“We are going to explore that possibility. We are preparing, and we are going to procure if ever it is available already,” sab ni DOH officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ginawa umano ang kasalukuyang mga bakuna para sa mga dating variants ng COVID-19 at hindi para sa Omicron, kaya nagsasagawa ngayon ng mga bagong formulation.

Inaasahan naman na magiging handa na ang naturang uri ng bakuna, partikular ang gawa ng Moderna, pagsapit ng ikaapat na quarter ng kasalukuyang taon.

Ayon sa DOH, naghanda na ng pondo para dito upang agad na makabili sakaling magbigay na ng go signal ang mga eksperto.

Para mbilis na mabigyan ang bagong bakunaa ng emergency use authhorizatio, ang Food an Drug Administration o FDA ay agad na magbibigay ng rekomendasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden