Omicron tepok sa Covaxin booster ng India – Bharat

Omicron tepok sa Covaxin booster ng India – Bharat

January 14, 2022 @ 7:09 AM 1 week ago


NEW DELHI – Inanunsyo ng Bharat Biotech ng India na gumagana ang kanilang booster shot ng Covaxin na itinurok anim na buwan matapos ang unang dalawang dosage laban sa Omicron at Delta variant.

Ang nasabing anunsyo ay suportado ng pag-aaral na isiangawa sa Emory Vaccine Center sa Atlanta na base sa nakolektang blood serum mula sa 13 individuals, 28 days matapos na maturukan ng booster shot.

“The neutralization activity of Covaxin-boosted sera was comparable to what has been observed in mRNA vaccine-boosted sera against the Omicron variant,” ayon sa pahayag ng Bharat Biotech. “More than 90% of all individuals boosted with Covaxin showed neutralizing antibodies.”

Ang Covaxin ay unang bakunang gawa ng India, nakatanggap na ito ngWHO emergency-use listing noong 2021. RNT