Omicron variant may mataas na tsansang nakapasok na ng Pinas — DOH

Omicron variant may mataas na tsansang nakapasok na ng Pinas — DOH

December 11, 2021 @ 2:17 PM 10 months ago


Manila, Philippines — May mataas na tsansa na nakapasok na ang Omicron COVID-19 variant  sa Pilipinas, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“Unang-una, alam naman po natin na from the start, sinabi na natin hindi naman po natin masasabi at hindi natin sasabihin definitely na hindi makakapasok. Ang pinag-uusapan natin ‘yan ay kung kailan, as to when it can enter the country,” paliwanag ni Vergeire.

Naghigpit na rin ang gobyerno sa border upang hindi na makapasok pa ang naturang variant.

“So, the chances are there. Mataas po ang tsansa na maaring makapasok dito sa atin at tayo naman po ay nagpe-prepare.”

 “So, gusto lang ho natin ipaalala sa ating mga kababayan, ano man pong variant ang pumasok, ‘yun pong ginagawa po nating compliance sa safety protocols—pagma-mask, pag-iiwas sa matataong lugar, palagiang paghuhugas ng kamay, at pagbabakuna—ay effective pa rin po laban sa mga variants na ‘yan,” lahad pa ni Vergeire. RNT/FGDC