Omicron vax ng Pfizer, maaaring mahuli na sa surge – WHO

Omicron vax ng Pfizer, maaaring mahuli na sa surge – WHO

January 13, 2022 @ 8:13 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Iginiit ni World Health Organization (WHO) country representative Dr. Rabindra Abeyasinghe na maaaring mahuli na ang pagpapalabas ng Pfizer ng Omicron vaccine sa nangyayaring surge ng virus.

Ang komento ni Abeyasinghe ay ukol sa anunsyo ni Pfizer Inc. Chief Executive Albert Bourla na ang bagong disenyong Omicron-targeted Covid-19 jab ay maaaring ilabas sa Marso.

“If you are talking about managing the spread of the [Omicron] variant in countries that are already seeing a surge, it may be too late,” ani Abeyasinghe sa isang public briefing.

Giit pa niya, na ang mga bakunang pasok sa WHO Emergency Use Listing ngayon ay epektibo pangontra sa severe disease at pagkasawi sa COVID-19.

“So, the new type of vaccine, what we are looking for is a vaccine that can prevent people from getting infected with mild symptoms,” aniya pa. “We are not quite sure whether Omicron specific vaccine will be useful for new future variants”.

Sa ngayon may 43 Omicron variant cases ang Pilipinas – 21 dito ang local cases habang ang 22 ay mula sa international travelers. RNT