On-site workers, taasan; mas maraming lalabas, mas maraming kita – DTI

On-site workers, taasan; mas maraming lalabas, mas maraming kita – DTI

March 1, 2022 @ 11:48 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Sa pagsisimula ngayong araw ng Alert Level 1 sa Kalakhang Maynila at 38 iba pang lugar, hinikayat ng pamahalaan ang ganap na pagbabalik ng trabaho sa mga tanggapan.

Ito ay upang tuluyang mapasigla ang ekonomiya ng bansa.

“We will encourage more on-site presence, dati kasi ang ini-encourage natin work from home, ngayon physical presence na,” ayon kay Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte, Lunes ng gabi.

“This will stimulate spending kasi ‘pag lumalabas ang tao mas maraming gastusan papunta at pauwi, so nabubuhay ang business around the area, mas maraming natutulungan na MSMEs (micro small and medium enterprises),” dagdag na pahayag nito.

Gayunman, nilinaw ni Lopez, na nananatiling opsyon ang “work from home.”

“Work from home will still be there, but it’s optional. Hindi natin ini-encourage ngayon now that we are moving toward Alert Level 1 and we want to stimulate more economic activities,” ayon pa rin sa Kalihim. Kris Jose