‘Once a month’ na katutubong kasuotan, ipinanukala sa Davao City hall

‘Once a month’ na katutubong kasuotan, ipinanukala sa Davao City hall

July 27, 2022 @ 9:20 AM 3 weeks ago


DAVAO CITY – BILANG pagkilala sa kanilang kultura, naghain ng ordinansa ang isang konsehal sa lungsod na ito magsuot ng kasuotan katutubo (indigenous people tribe) ang mga kawani ng city hall.

Sinabi ni Konsehal Al Ryan Alejandre, naghain siya nitong Martes ng panukalang nag-aatas sa “mga empleyado ng pamahalaang lungsod na magsuot ng kasuotan ng mga Katutubo tuwing unang Lunes ng buwan upang ipagdiwang ang lokal na kultura.

“When I was appointed by then President Rodrigo Roa Duterte as then executive director of the National Commission on Culture and Arts, I realized that our culture and tradition receive less appreciation. Although we are a country rich in history, we have somehow failed to appreciate our diversity and mocked the identity that shaped us,” saad ni Alejandre sa kanyang privilege speech.

Pinuri din niya ang tradisyonal na kasuotan ng Bagobo-Tagabawa na isinuot ni Vice President Sara Z. Duterte sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Though Vice President Inday Sara made a grand entrance and became the belle of the crowd during President Marcos’ SONA, she was not excused from the criticisms of the public. Many praised her for promoting her city’s culture. However, few people have called out what she wore and called it a ‘cosplay’, ani pa ng Konsehal.
Aniya, isinuot ng Bise Presidente ang tradisyunal na kasuotan ng Bagobo Tagabawa dahil nais niyang ipakita ang kanyang pangangalaga at pagpapahalaga sa mga IP.

Giit pa ni Alejandre, ang kahalagahan ng pagsusuot ng mga Dabawenyo ng tradisyonal na kasuotan ng 11 IP tribes, na ang mga miyembro ay itinuturing na orihinal na mga naninirahan sa Davao City.

“Kailangan natin itong kilalanin at pahalagahan. This is one way of giving them honor and respect,” sabi ni Alejandre.

“What Vice President Sara showed us is a message that we can also wear the traditional attires of our IPs on formal occasions that require us to wear Filipiniana. dagdag pa nito ”
May nakabinbin din panukala sa konseho na nag-aatas sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa lahat ng antas sa Davao City na isama sa kanilang kurikulum ang kasaysayan ng lungsod./Mary Anne Sapico