One Hospital Command Center itinayo kontra COVID; mga rehiyon, isusunod

One Hospital Command Center itinayo kontra COVID; mga rehiyon, isusunod

August 6, 2020 @ 4:30 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inilunsad ng mga opisyal ng pamahalaan ang One Hospital Command Center sa Makati City na layong ma-monitor ang kapasidad ng healthcare facilities ukol sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) at upang matulungan ang mga ito na makahanap ng mga ospital o isolation facility.

 

Sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na sa paglulunsad nito ay may malalaking screen sa nasabing command center kung saan dito namo-monitor ang occupancy rate at critical care capacity ng mga ospital sa buong bansa.

 

Maliban dito, tututukan din nito ang coordination at referral sa mga pasyenteng may COVID-19 sa lahat ng health facilities at siguraduhing sapat ang mga hospital bed para sa severe cases at kritikal ang kondisyon dahil sa nasabing sakit, ayon kay COVID-19 response chief implementer Carlito Galvez.

 

Kasabay nito, sinabi naman ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na plano ng pamahalaan na bumuo rin One Hospital Command Centers sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

 

“At sa susunod na mga araw siguro, magtatayo rin tayo ng ganitong ‘One Hospital Command Center(s)’ sa iba’t ibang region. Layunin nitong pangasiwaan ang mga ospital pati na ‘yung mga treatment center,” ayon kay Lorenzana.

 

Dagdag pa ng kalihim na ang pagkakaroon ng command center sa isang lugar ay pagtitiyak na ang lahat ng kinakailangang mapaospital ay may 24/7 access sa medical facilities. RNT/LF


  •  
  •  
  •  

Loading...