One-on-one meeting nina Pangulong Duterte at CBCP President Valles, natuloy rin

One-on-one meeting nina Pangulong Duterte at CBCP President Valles, natuloy rin

July 9, 2018 @ 5:14 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Sa wakas ay natuloy rin ang one-on-one meeting nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President Romulo Valles sa Malakanyang.

Nangyari ang private meeting nina Pangulong Duterte at CBCP President Valles nang alas-4 ng hapon sa Malakanyang na tumagal lamang ng 30 minuto.

Sinang-ayunan ni Pangulong Duterte na magkaroon ng “moratorium” sa kanyang mga pahayag o kalatas laban sa Simbahang Katolika pagkatapos ng kanilang one-on-one meeting ni Archbishop Valles.

“Meet between PRRD and Arch Valles took place at 4 pm. PRRD agreed to a moratorium on statements about the church after the meeting. It was a one on one meeting,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Sinabi naman ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na kasama rin siya sa meeting nina Pangulong Duterte at Archbishop Valles.
Base sa mga larawang ipinadala ni Sec. Go, magiliw na tinanggap ni Pangulong Duterte si Archbishop Valles. (Kris Jose)