One-on-one meeting nina Pangulong Duterte at CBCP prexy, kaabang-abang

One-on-one meeting nina Pangulong Duterte at CBCP prexy, kaabang-abang

June 30, 2018 @ 2:46 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Kaabang-abang ang one-on-one dialoguenina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president at Davao Archbishop Romulo Valles.

Sa pakikipagpulong ni Presidential spokesperson Harry Roque, isa sa four-man committee kay Papal Nuncio Gabriel Giordano Caccia ay napagkasunduan na mag-usap sina Pangulong Duterte at Archbishop Valles.

Napagkasunduan din nila na magtutulungan ang pamahalaan at ang Simbahang Katolika para sa kapakanan ng sambayanang filipino.

Welcome naman aniya sa Papal Nuncio ang mas marami pang pakikipagpulong kay Pangulong Duterte.

Ang pulong ng four-man team sa kinatawan ng Simbahang Katolika ay idinaos sa Apostolic Nunciature sa Malate, Manila.

Nauna rito, nanawagan si Archbishop Valles sa mga mananampalatayang Katoliko na ‘wag magpaapekto sa naging pahayag ni Pangulong Duterte hinggil sa Poong Maykapal.

Ayon sa obispo, sa halip aniya ay mas mabuting palakasin pa ang pananalig sa Diyos.

Sa kanyang naging homily sa kapistahan ng San Pedro Cathedral, inihayag ni Archbishop Valles na kailangang maliwanagan ang mga lider ng simbahan sa likod ng kontrobersiyang hinaharap ngayon.

Hamon din ng arsobispo sa mga Katoliko na gawing ehemplo ang buhay ni Kristo at ipanatili ang pananalig sa Diyos kasabay nang pagdarsal at pagpapatawad sa kapwa.

“In great difficulties He was able to transmit the faith to us. So, it is a great inspiration and also it is in the teaching of the church part of our belief that He would intercede for us,” ani Archbishop Valles .

Ang pahayag ni Valles ay sa gitna na rin nang ginagawang dayalogo ngayon ng mga kinatawan ng Pangulong Duterte at sa mga lider ng mga religious groups. (Kris Jose)