‘One Piece’ manga malapit na sa ‘final arc’ — reports

‘One Piece’ manga malapit na sa ‘final arc’ — reports

August 3, 2020 @ 7:22 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Matatapos na ang napakakulay at napakalupit na paglalayag ng ‘future Pirate King’ Monkey D. Luffy at ng Straw Hat Pirates na nagsimula pa noong 1997.

Ayon sa ulat mula Anime News Network, isang advertisement mula sa Shonen Jump magazine ang nagpakita na ang “One Piece” ay “headed toward the upcoming final arc.”

Wala naman ng ibang detalye ang inilabas, pero matatandaang sinabi ng ama ng One Piece na si Oda Eiichiro nitong nakaraang taon na matatapos na ang series sa loob ng limang taon.

Isa pang report mula sa  Comicbook ang nagsabi na ang ad ay naghihikayat sa “fans to reread One Piece as soon as they can.”

Hanggang sa ngayon layunin ng One Piece Magazine na magpalabas ng tips para matulungan ang mga magbabasa “prepare for the climax.” RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...