One-Stop-Shop eGovernment Service, inilunsad sa Dolores, Quezon

One-Stop-Shop eGovernment Service, inilunsad sa Dolores, Quezon

November 24, 2020 @ 12:13 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Quezon – Inilunsad ngayon, Nobyembre 24, 2020, sa bayan ng Dolores, Quezon ang “automated business registration system.” Ito ang kauna-unahang bayan sa lalawigan ng Quezon na nagkaroon ng “online business transactions.”

Ayon sa batas o Republic Act No. 11032 (Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018) ang SmartJuan-One-Stop-Shop eGovernment Service ay sinimulang ipatupad ni Mayor Orlan Calayag at ng sangguniang bayan ng Dolores sa pakikipagtulungan ng isang pribadong kompanya, ang Centralized Cloud Computing International Inc. (CCCI) na siyang gumawa ng teknolohiya at sistema para maging automated na ang pag-a-apply at pagproseso ng mga iba’t ibang permits at clearances sa munisipyo.

Sa bagong sistema ang pag-a-apply ay maaari nang gawin sa pamamagitan ng mga electronic gadget gaya ng cellphones, tablets, computers, gamit ang internet. Mapapabilis na ang pagproseso at ang pagbabayad naman ay sa pamamagitan ng credit cards or GCash.

“Ang online system na ito ay makatutulong sa pag-iwas sa red tape, fixers at magiging transparent, mabilis at maayos ang mga transaction at serbisyo lalo na ngayong may pandemya at sumusunod tayo sa mga health protocol gaya ng social distancing na ipinatutupad naman ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF),” punto ni Calayag. Cesar Morales


  •  
  •  
  •  

Loading...