One-stop-shop sa SIM registration IDs ilalatag ng DICT

One-stop-shop sa SIM registration IDs ilalatag ng DICT

January 19, 2023 @ 2:31 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Planong magtayo ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ng one-stop shops sa mga liblib na lugar upang makapagparehistro ang mga subscribers ng kanilang SIM card, kasabay ng pagkuha ng valid ID para rito.

Sa virtual event na inorganisa ng Smart Communications, sinabi ni Information and Communications Technology Undersecretary Anna Mae Lamentillo, na kinausap na nila ang Department of Justice upang maglagay rin ito ng booth para makakuha ang publiko ng National Bureau of Investigation clearance.

Sa ganitong paraan ay mareresolba ang problema sa kakulangan ng valid government-issued ID ng mga mamamayan.

Matatandaan na hinimok ng pribadong sektor ang pamahalaan na pabilisin pa ang paglalabas ng national ID para sa SIM card registration.

“While some may find it inconvenient because of the requirements, these are actually necessary because our goal is to deter crime, to prevent those who want to perpetrate crimes by taking advantage of the anonymity of SIMs,” pagdidiin ni Lamentillo.

Nakikipagtulungan na rin ang DICT sa iba pang ahensya ng gobyerno tulad ng National Telecommunications Commission (NTC) at Department of Interior and Local Government, upang isapinal ang guidelines sa pagsasagawa ng SIM registration sa mga geographically isolated and disadvantaged areas (GIDA). RNT/JGC