‘One-stop’ support center sa Itaewon crush victims itatayo

‘One-stop’ support center sa Itaewon crush victims itatayo

November 4, 2022 @ 10:02 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inatasan na ni South Korean President Yoon Suk-yeol ang kanyang mga tauhan na magtayo ng isang “one-stop” support center para sa mga pamilya ng biktima at iba pang apektado sa nangyaring Halloween crowd crush sa Itaewon, Seoul ng nabanggit na bansa.

Kabilang dito ang patuloy na pagbibigay ng tulong medikal at iba pang maaaring maibigay sa mga pamilya at iba pang biktima.

Patututukan din ni Yoon ang pagbibigay ng trauma recovery at psychotherapy services sa publiko, kasabay ng pagluluksa ng bansa sa nangyaring trahedya.

“The one-stop integrated support center, which will be created under the prime minister’s office jointly by relevant ministries, will provide all necessary services from a single place, ranging from funeral arrangements for the victims to treatment for the injured, payment of relief money and psychological therapy,” ani deputy presidential spokesperson Lee Jae-myoung.

Palalawigin din ng National Center for Disaster and Trauma ang serbisyo hindi lamang sa pamilya ng mga biktima kundi maging ang mga nakasaksi sa nangyaring trahedya kabilang ang mga emergency response workers.

“President Yoon emphasized that we must accomplish a major transformation to a safe Republic of Korea that properly determines each and every element undermining our society’s overall safety and fixes them completely,” dagdag ni Lee.

Sa darating na Lunes, Nobyembre 7 ay magkakasa ng kauna-unahang pagpupulong ang pangulo upang repasuhin ang national safety measures.

Matatandaang idineklara ang national mourning hanggang bukas, Nobyembre 5 sa 156 kataong nasawi na karamihan ay mga kabataan, sa kahindik-hindik na trahedya kasabay ng Halloween celebrations sa Itaewon noong Sabado ng gabi. RNT/JGC