Pulang sibuyas gamitin muna bago mag-import ng puting sibuyas – farmers group

August 18, 2022 @1:38 PM
Views:
6
MANILA, Philippines – Hinimok ng grupo ng mga magsasaka ng sibuyas ang pamahalaan na ipagpaliban na muna ang pag-aangkat ng puting sibuyas.
Ito ay dahil sapat pa naman umano ang pulang sibuyas ng bansa upang matugunan ang kasalukuyang demand.
Ayon kay Luchie Cena, pinuno ng Valiant Cooperative ng Nueva Ecija, sa unang bahagi ng 2023 ang inaasahang anihan ng puting sibuyas.
Sa kabila nito, nagbabala si Cena ng posibleng epekto sa lokal na industriya kung sakaling mag-aangkat na ngayon ng mga sibuyas.
“Hindi naman din kami against sa importation kung talagang kailangan,” ani Cena sa panayam ng ABS-CBN News.
“Ang pakiusap namin na sana ay maunti lang talaga, kung talagang kailangan. At kung maaari nga ang pakiusap namin ay huwag na kasi nga nagkakaroon na ng alternative solution, unti-unti ang puting sibuyas at itong pula ang nagiging replacement na natin,” dagdag pa niya.
Maliban dito, nangangamba rin umano ang mga magsasaka na maging talamak na naman ang smuggling ng pulang sibuyas dahil dito.
Matatandaan na noon lamang Agosto 11 ay nasabat ng Bureau of Customs ang nasa 12 container ng ismagel na pula at puting sibuyas sa pantalan ng Misamis Oriental. RNT
Estudyante, 2 pang tulak ng droga, timbog sa Isabela

August 18, 2022 @1:35 PM
Views:
10
ROXAS, Isabela -Bumagsak sa kamay ng alagad ng batas ang isang estudyante at dalawa pang katao na nasa Municipal Target Listed Drug Personalities matapos na mahuli sa isinagawang drug buy bust operation sa Purok Saranay, Brgy. Luna, Roxas, Isabela.
Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Rassel Tuliao, hepe ng Roxas Police Station kay PCol. Julio Go, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ang tatlong suspek na sina Dan Paul Santiago, 24 anyos, driver/mechanic at residente ng Brgy. Sotero Nuesa, Roxas, Isabela; Peter Angelo Padilla, 22 anyos, Civil Engineering student at residente ng Brgy. Rizal at Arfil Juco Macayanan, 27 anyos, caretaker at residente ng Brgy. Vira, na kapwa taga bayan ng Roxas, Isabela.
Narekober mula sa pag-iingat ng tatlo ang 5 na medium size sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaniwalaang shabu, drug parapernalya, limang shabu residue, limang nakabukas na plastic sachet, (1) plastic bottle; boodle money; isang (1) unit blue iPhone 13 Pro at isang (1) unit black iTel keypad phone .
Nahaharap ang tatalong suspek sa kasong R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. REY VELASCO
QCPD official, iba pa nahaharap sa reklamo ng cover-up

August 18, 2022 @1:25 PM
Views:
12
MANILA, Philippines – Nahaharap sa reklamo ang opisyal ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District at iba pang pulis.
Ito ay dahil umano sa cover-up ng isang hit and run incident na ikinasawi ng isang tricycle driver sangkot mismo ang naturang opisyal.
Ayon sa People’s Law Enforcement Board ng Quezon City, mahaharap sa reklamong grave misconduct, grave neglect of duty at conduct unbecoming of a police officer si QCPD-CIDU head P/Lt. Col. Mark Julio Abong.
Mismong ang mga kapatid ng biktima na sina Arlene Laroa Buenvenida, Annale Laroa Alba at Armida Laroa Carbonel ang naghain ng reklamo sa Quezon City Prosecutor’s Office noong Agosto 11 laban kay Abong.
Maliban dito, nagsampa rin ng reklamo ang mga kapatid ng biktima laban kina Station 3 Commander P/Col. Alexander Barredo at P/Cpl. Joan Vicente dahil sa hindi nito paghuli kay Abong kahit na naroon na mismo ang mga ito sa pinangyarihan ng insidente.
Dagdag pa nito, inireklamo rin ng pamilya ng biktima ang traffic investigator na si Jose Soriano dahil naman sa hindi pagtukoy kay Abong bilang driver ng nakabanggang Ford Ranger pick-up.
“Kung sana hindi pinabayaan ni Abong na mamatay ang aming kapatid, mapapatawad pa sana namin siya. Sana kaagarang dinala niya sa hospital. Pero hindi niya ginawa. Nakuha pa niyang pagtakpan ang kasalanan niya sa pamamagitan ng grand cover-up ng mga kapulisan,” ani Buenvenida.
“Nag-file kami ng kaso sa PLEB dahil sa tingin namin, dito na lang namin makakamit ang hustisya. Nag-usap usap ang mga pulis para pagtakpan ang insidenteng ito. Nakakapanlumo,” dagdag pa niya.
Ayon naman kay QCPD Director Nicolas Torre III, na-relieve na sa pwesto noong Martes, Agosto 16 si Abong at nangakong makikipagtulungan sa mga biktima. RNT
Top 1 Most Wanted Person ng Magsingal, Ilocos Sur, arestado

August 18, 2022 @1:23 PM
Views:
10
ILOCOS SUR – Swak sa kulungan ang isang 47-anyos na lalaki matapos arestuhin ng mga otoridad sa Brgy. San Julian ng lalawigang ito kahapon ng umaga, Agosto 17.
Kinilala ng Magsingal Municipal Police Station ang naaresto na si Virgilio Arieta y Tagupay, may asawa, residente ng Brgy. Namalpalan, Magsingal, Ilocos Sur.
Si Arieta ay nakalista bilang Top 1 Wanted Person, municipal level.
Ang akusado ay inaresto ng mga miyembro ng Magsingal MPS sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng RTC Branch 24, Cabugao, Ilocos Sur na may petsang Agosto 15, 2022 dahil sa kinahaharap nitong kasong rape na with no bail recommended. Rolando S. Gamoso
Clarkson, Sotto nangunguna sa listahan ng 24-man Gilas pool

August 18, 2022 @1:19 PM
Views:
9
MANILA, Philippines – Nanguna sa 24-man Gilas Pilipinas pool sina Utah Jazz star Jordan Clarkson at Adelaide 36ers big man Kai Sotto para sa fourth window ng Asian Qualifiers ng 2023 FIBA World Cup.
Narito ang Gilas 24-man Preliminary Pool para sa FIBA Basketball World Cup 2023 Asian Qualifiers – Window 4.
Kasama sa dalawang international talents sa listahan — na kinabibilangan ng pinaghalong overseas campaigners, PBA players at amateurs — na inilabas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ay ang mga sumusunod: