One-strike policy ikakasa vs BJMP personnel na masasabit sa droga-Iral

One-strike policy ikakasa vs BJMP personnel na masasabit sa droga-Iral

September 20, 2022 @ 8:58 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – NAGBABALA si Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Chief Director Allan Iral sa kanyang mga tauhan na mamadawit sa illegal drug trade sa mga kulungan na agad nitong sisibakin sa tungkulin at hindi na mabibigyan pa ng ikalawang pagkakataon.

“Walang puwang ang mga tiwali at mapang-abuso sa hanay ng (BJMP) . Kasi sa bawat galaw natin, personal man yan o tungkol sa trabaho, dala natin ang pangalan ng BJMP – sa karangalan man o kahihiyan” pahayag pa ng heneral.

Matatandaan na sinabi ni Department of Interior and Local Goverment (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. na maging  mapamatyag  at bantayan ang posibleng pagpasok ng illegal na droga sa mga jail facilities sa bansa.

“Malinaw ang bilin ni Secretary Benjamin Abalos Jr., bawal ang droga sa BJMP ’’ saad pa ni Iral.

BInalaan din ng heneral ang mga jail warden na sila ay mahaharap sa kaukulang parusa kung mayroon mga illegal na drug trade sa kanilang mga kulungan na siyang kautusan ni Abalos.

Bilang isang ahensya, sinabi ni Iral na ang BJMP ay dapat“responsable para sa kapakanan at pag-unlad ng nakakulong na sektor, kinakailangan na ang mga tauhan nito ay may disiplina, at higit sa lahat sumusunod sa tama sa batas.’ Jan Sinocruz