One-strike policy isinusulong vs non-performing tax collectors

One-strike policy isinusulong vs non-performing tax collectors

February 27, 2023 @ 11:34 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez nitong Linggo na imumungkahi niya sa Malacañang ang “one-strike policy” laban sa non-performing collectors ng Bureau of Internal Revenue at ng Bureau of Customs.

Aalisin ang mga kolektor na hindi makakaabot sa kanilang revenue targets, at papalitan sila para tiyakin ang collection efficiency, base kay Romualdez.

Sinabi niya na pipilitin niyang maabot ng dalawang ahensya ang kanilang target revenues na magtitiyak ng karagdagang pondo para sa subsidies, hospitalization, education, job creation, at iba pang social protection programs para sa vulnerable sectors.

Sinabi ni Romualdez na pangangasiwaan ng Kamara ang performance ng iba’t ibang ahensya at departamneto sa implementasyon ng mga polisiya at programa.

“Let us help the government meet its revenue targets. I hope our call will send a clear message for our collectors to perform at the highest level,” panawagan niya.

Naiisaalang-alang ang mga programa ng pamahalaan kapag hindi naabot ng mga ahensya ang kanilang revenue goals, partikular sa agrikultura, kalusugan, edukasyon at imprastraktura, sabi ni Romualdez. RNT/SA