One-strike policy vs incompetent revenue collectors isinulong ni Romualdez

One-strike policy vs incompetent revenue collectors isinulong ni Romualdez

February 27, 2023 @ 6:51 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Iminungkahi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa administrasyon na magpatupad ng one-strike policy laban sa non-performing tax collectors.

Inirekomenda ito ni Romualdez kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang maipatupad laban sa mga kolektor ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) na bigong makuha ang kanilang target revenue collection.

“I will recommend to President Marcos a one-strike policy against collectors who will miss their target revenues.”

Ito aniya ay isang paraan upang masiguro ang dagdag na pondo para sa mga targeted subsidies, hospitalization, education, job creation, at iba pang social protection programs para sa mga itinuturing na most vulnerable sectors ng ating lipunan.

“The one-strike policy is a key step towards achieving our revenue goals. Kailangan natin ng dagdag na pondo para sa ayuda, edukasyon , pang-ospital, transportasyon, paglikha ng mga trabaho sa pamamagitan ng infastructure projects at iba pang programa na makatutulong sa taong-bayan,” dagdag pa ni Romualdez.

Bunsod nito, titiyakin naman ani Romualdez na sa pamamagitan ng oversight function ng House of Representatives, tututukan nila ang magiging performance ng ibat-ibang departmento at ahensya ukol sa implementasyon ng mga polisiya at programa na iminamandato sa kanila ng batas.

Sa mungkahi niya ay dapat masibak sa pwesto at mapalitan ang mga hindi kuwalipikadong revenue collectors o nabigong makuha ang kanilang target collections.

“Let us help the government meet its revenue targets. I hope our call will send a clear message for our collectors to perform at the highest level,” giit pa ni Romualdez.

Ang gagawin aniya ng Kongreso upang makaagapay ng gobyerno ay tutulong na mag-monitor sa ebalwasyon ng performance ng mga revenue collectors gamit ang oversight power nito.

“We will monitor and evaluate the performance of government agencies. The House of Representatives is committed to working with the government to ensure stable finances for the sustained and efficient implementation of various important projects.” Meliza Maluntag