ONEWE umarangkada sa sales ng latest album!

ONEWE umarangkada sa sales ng latest album!

May 24, 2022 @ 1:06 PM 1 month ago


SEOUL, South Korea – Nakapagtala na naman ng personal-best record ang Kpop band na ONEWE sa kanilang latest album!

Nitong Mayo 20, matatandaan na naglabas ng special single album ang grupo na ‘Timeless’ o 시간을 담은 작은 방 in Korean na may English translation na ‘A Small Room With Time’.

Sakto ang paglalabas ng album sa kanilang ikatlong anibersaryo at mainit naman na tinanggap ng fans dahil natibag agad nito ang personal record sa first-day sales at first-week sales!

Kung babalikan, nakapagtala ng 7,000 sold copies ang previous album nilang ‘Planet Nine: Alter Ego’ na nahigitan ng ‘Timeless’ sa loob lamang ng isang araw.

Ang ONEWE ay isang South Korean alternative rock band na binubuo ng limang miyembro na sina Harin, Yonghoon, Kanghyun, CyA at Dongmyeong. RNT/JGC