Onion farmers aasistihan ng Marcos admin

Onion farmers aasistihan ng Marcos admin

January 24, 2023 @ 7:10 PM 7 days ago


MANILA, Philippines- Handa ang gobyernong Marcos  na tulungan ang onion farmers  sa pamamagitan ng bitbit na programa na naglalayong patatagin ang suplay at ibaba ang presyo ng kalakal.

“We’ll do this by increasing the area that is being planted to onions, number one,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasunod ng  sectoral meeting sa Malakanyang.

“And secondly, we will help by – the DA (Department of Agriculture) will help by providing inputs. So the first part of that is we are going to the seed producers so that they will produce good seed that we can give to the farmers at some point. Iyon ang kanilang gamitin as inputs. And all that what they need,” ayon sa Pangulo.

Nauna rito, ipinagpaliban ng  DA  ang ekstensyon ng P250 suggested retail price (SRP) dahil sa pagtataya na  “lower price range” ng sibuyas kasunod ng  harvest season.

Ayon sa DA,  ang presyo ng sibuyas ay maaaring bumaba ng  P100  hanggang  P150 kada kilo dahil sa pagpasok ng mahigit sa  5,000 metric tons (MT) ng imported na sibuyas.

Sa isinagawang Malacañang meeting, binanggit ng Pangulo ang isyu ng kakulangan ng  cold chain facilities  na makaaapekto  sa suplay ng sibuyas at presyo nito, binigyang diin ang pangangailangan ng industriya para sa mas maraming pasilidad.

“We need more cold storage, we need a better, stronger cold chain para ma-maintain naman natin, ma-preserve naman natin ‘yung agricultural products,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.

“So iyon ang mga plano, ‘yun ang mga ginawa namin para [sa] mga immediate needs doon sa ating mga nagtataasan na presyo ng agricultural products,” dagdag na wika ng Chief Executive.

Samantala, iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang onion production sa third quarter noong nakaraang taon ay naitala na 23.30 MT, 1.7% mas mataas sa  22.92 MT output sa kaparehong quater noong  2021.

“Also, the DA’s 2022 supply and demand outlook data indicated that the country has a 120 percent sufficiency level with 312,830 MT of onions. Per capita consumption for onion is at 2.341 kg/year per the PSA, with an estimated demand of 21,000 MT per month,” ayon sa ulat. Kris Jose