Onion growers, buyers paglalapitin ng DA sa pagpapababa ng presyo

Onion growers, buyers paglalapitin ng DA sa pagpapababa ng presyo

March 2, 2023 @ 10:02 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Paglalapitin ng pamahalaan at Department of Agriculture ang ugnayan ng mga onion growers at mamimili nito.

Sa pahayag, sinabi ng Department of Agriculture-Agribusiness and Marketing Assistance Service (DA-AMAS) na bahagi ito ng pamamaraan ng pamahalaan na mapabuti ang logistics sa agricultural value chain ng bansa sa ilalim ng liderato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na siya ring tumatayo bilang agriculture chief.

“In line with the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr. to stabilize the prices of onion in the retail markets and help farmers increase their income, the Department of Agriculture, through the Agribusiness and Marketing Assistance Service, has strengthened its direct market linkage initiatives,” ayon sa DA.

Inaasahang magbebenepisyo ang kapwa market vendors at institutional buyers sa naturang inisyatibo.

Kabilang dito ay ang utilization ng Kadiwa delivery trucks upang matulungan ang mga magsasaka sa pagbiyahe ng mga produkto.

“In Nueva Ecija, the DA-AMAS and DA Regional Field Office III-Agribusiness and Marketing Assistance Division provided logistical assistance to Valiant Primary Multi-Purpose Cooperative (VPMPC) and the Bagong Pag-asa Multi-purpose Cooperative, both based in Bongabon, which is an onion-producing municipality,” ayon sa DA.

Dagdag pa ng ahensya, nakapagbiyahe na sila ng libo-libong kilo ng pula at puting sibuyas sa ilang lugar sa Metro Manila at kalapit na probinsya mula Pebrero 22 hanggang 24.

“A total of 4,260 kilograms of red onion and 610 kg of white onion were delivered to the L. Sanchez Farm, Batangas City Rural Improvement Club Marketing Cooperative, Ridad Integrated Farm, Agripreneur Farmers and Producers Association, as well as to market vendors of Guadalupe market and Las Pinas City public market,” anang DA.

Maliban sa pagpapagaan ng transport situation sa mga magsasaka, layon din nitong pababain ang presyo ng produkto sa merkado dahil sa pagkalos sa hindi makatarungang patong sa pagitan ng
farmgate at retail price.

Nauna nang sinabi ng pamahalaan na dapat alisin ang mga middlemen sa sistema upang masigurong ang makikinabang ay ang mga magsasaka at mamimili.

Sa kasalukuyan, ang presyo ng lokal na pulang sibuya sa Metro Manila ay nasa PHP100/kg hanggang PHP180/kg, habang ang puting sibuyas ay nasa PHP90 to PHP120. RNT/JGC