Online application ng ayuda sa mga estudyante ng DSWD, sarado na

Online application ng ayuda sa mga estudyante ng DSWD, sarado na

September 10, 2022 @ 12:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Isinara na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang online application sa educational assistance program para sa mga indigent students..

Ito ay makaraang umabot na mano sa mahigit dalawang milyon ang nagparehistro at limitado lamang umano ang pondo para rito.

“Closed na itong educational assistance,” pahayag ni DSWD Secretary Erwin Tulfo sa panayam ng DZBB.

“Kaya ‘di na namin makakaya o kakayanin pa dagdagan ‘yung two million,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan ay naipamahagi na ng DSWD ang P600 milyon mula sa P800 milyon nakalaang pondo para rito.

Magtatagal hanggang Setyembre 24 ang pamamahagi ng educational assistance kung saan makatatanggap ng 1,000 pesos na financial assistance ang elementary students, P2,000 para sa high school, P3,000 para sa senior high school students at P4,000 para naman sa estudyante sa kolehiyo. RNT/JGC