Online application sa fare matrix binuksan ng LTFRB

Online application sa fare matrix binuksan ng LTFRB

October 5, 2022 @ 4:12 PM 6 months ago


MANILA, Philippines – Binuksan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang online application na nais kumuha ng fare matrix sa taas-pasahe ang mga driver at operator sa Metro Manila.

Nitong Lunes, Oktubre 3 ay nagsimula na ang implementasyon ng taas-pasahe sa lahat ng pampublikong sasakyan ngunit nag-abiso ang ahensya na hindi pa pwedeng maningil ng dagdag pasahe kung walang nakapaskil na fare matrix sa loob ng sasakyan.

Upang maibsan ang hirap sa pila ng mga kukuha ng taripa, naisipan ng LTFRB na magdagdag ng paraan para makakuha nito sa pamamagitan ng online na paraan.

Ayon sa LTFRB, kailangan lamang magpunta ng driver o operator sa website nila at i-upload ang kaukulang dokumento tulad ng OR/CR ng unit, certificate of public convenience o prangkisa.

Online na rin isasagawa ang pagbabayad sa taripa at sa halip na dry seal, QR code ang ilalagay sa fare matrix.

Nitong Martes, Oktubre 4 ay umabot na sa 200 ang nag-apply ng taripa gamit ang online facility ng LTFRB-NCR.

“Also because of our limited personnel kaya we had to include our online facility sa NCR para ho mas convenient… sa bahay na lang sila, i-upload lang nila ang documents, bayaran nila sa ating payment partners [at] ia-upload namin through PTOPS accounts their fare matrix,” sinabi ni LTFRB-NCR Director Zona Russet Tamayo. RNT/JGC