Online bentahan ng SMS blaster machines ipatitigil ng NTC

Online bentahan ng SMS blaster machines ipatitigil ng NTC

October 13, 2021 @ 3:35 PM 4 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Ipinatitigil at pinagpapaliwanag ng National Telecommunications Commission (NTC) ang Facebook, Lazada, at Shopee ang bentahan ng SMS o text blaster machines sa kanilang online buy-and-sell platforms.

Kaugnay ito ng naganap na emergency text blasts na nagpo-promote kay dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tatakbong presidente sa 2022.

“Buong Buo and Malasakit sa Bansa. Buong Buhay and Maialay sa taong bayan. Bagong Bukas na Masagana para sa masa. Babangon Muli ang Pilipinas (V) BBM sa bansa. BBM sa taong bayan, BBM sa Masa… BBM Pilipinas  #BBM2022,” saad sa emergency alert.

Ayon sa NTC, posibleng ang emergency alert ay galing sa illegal operation ng “portable cell sites.”

Nag-isyu naman ang komisyon ng show cause na may cease and desist order sa Facebook Marketplace, Lazada, at Shopee.

“The NTC has not authorized the importation, manufacture, sale/distribution, or type approval of the above mentioned equipment,” saad pa ng NTC.

Sinabing ang naturang aktibidad ay labag sa Republic Act 3846 o The Radio Control law at NTC Memorandum Order 01-02-2013 na tinawag na “The Prohibition of Portable Cellular Mobile Repeater and Portable Cellsite Equipment.”

Gayundin ay inatasan na ang Facebook, Lazada, at Shopee na magpadala ng respondents sa NTC sa Oktubre 27 at magpaliwanag kung bakit hindi dapat panagutin sa naturang pagkakasala. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •