Online classes sa private schools, pwedeng simulan sa Hunyo kung oks sa IATF: DepEd



Online classes sa private schools, pwedeng simulan sa Hunyo kung oks sa IATF: DepEd

May 6, 2020 @ 7:23 PM 1 year ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Maaaring magsimula ng mas maaga ang klase sa mga pribadong paaralan kung pahihintulutan ito ng Inter-Agency Task Force (IATF), ayon kay Education Secretary Leonor Briones nitong Miyerkoles.

Nilinaw nibBriones na ang pagsisimula ng klase sa Agosto 24 ay kapwang ia-apply sa pampubliko at pribadong paaralan.

“Private schools who want to open in June may do so if allowed by the IATF and DOH (Department of Health) guidelines, and no face-to-face for June,” anang Briones.

Dagdag ni Briones, isa-sapinal pa lamang ng Department of Education (DepEd) ang Learning Continuity Plan nito, kung saan idi-detalye ang pagbabago sa polisiya at mga gawaing kinakailangan upang makapag-adapt sa new normal.

“These include curriculum adjustments, alignment of learning materials, various modalities of delivery, and corresponding teacher and parent or guardian training for homeschooling,” paliwanag ni Briones.

Aniya pa, ipi-presenta ang Learning Continuity Plan sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease kapag naisapinal na ito.

Inanunsyo ni Briones nitong Martes, Mayo 5, na opisyal na magbubukas ang klase sa Agosto 24 at magtatapos sa Abril 30, 2021.

Nilinaw naman ng kalihim na ang pagsisimula ng academic year 2020-2021 sa Agosto ay hindi nangangahulugang pisikal na magpupunta sa mga paaralan ang mga mag-aaral sa elementarya at high school. Maaaring isagawa ang mga klase online hanggang sa payagan ng pamahalaan ang muling pagbubukad ng school buildings.

“Opening can be face-to-face or virtual, depending on the decisions of the IATF,” sabi ni Briones. ” No need for face-to-face if not allowed by IATF.”


  •  
  •  
  •