Online election registration pasado na sa Kamara

Online election registration pasado na sa Kamara

March 7, 2023 @ 10:44 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Aprubado na sa Kamara sa huli at ikatlong pagbasa ang House Bill 7241, ang panukalang batas na magpapahintulot sa online registration of voters bilang bahagi ng voter registration process.

Sa oras na maisabatas ay aamyendahan ng panukala ang ilang probisyon sa ilalim ng Republic Act (RA) No.8189 i Voter’s Registration Act of 1996.

Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na sa pamamagitan ng nasabing sistema ay matitiyak ang malinis, kumpleto, permante at updated na listahan ng mga botante.

“It aims to encourage and ensure a continuing system of voter registration and that the state shall adopt and make use of technologies that shall facilitate and allow the automated and online registration of voters as an option, taking into account the integrity, completeness, and accuracy of the list of voters,” pahayag ni Romualdez na siyang principal sponsor ng panukala.

Sa ilalim ng panukala, ang aplikante ay maaaring mag-fill-out ng registration form online na maaari niyang isumite mismo tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa kanilang lugar o sa official website ng tanggapan.

“Under the bill, the Election Officer shall inform the applicant of the qualifications and disqualifications prescribed by law for a voter, and thereafter, see to it that the accomplished application contains all the data therein required and that the applicant’s specimen signatures, fingerprints, and photographs are properly affixed in the voter’s application,” paliwanag ni Romualdez.

Sakaling isumite ang aplikasyon sa online, ay magpapadala ang resibo ang Comelec na magpapatunay na natanggap nito ang aplikasyon.

Hindi lamang new voters ang maaaring mag-apply online kundi maging transfer of voter registration ay pinapayagan din gayunpaman may limitasyon ito, hindi papayagan ang transfer 120  araw bago ang regular election at 90 araw bago ang special election. RNT