Online fraud banking pinaiimbestigahan ng Bayan Muna lawmakers

Online fraud banking pinaiimbestigahan ng Bayan Muna lawmakers

December 13, 2021 @ 3:48 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Nanawagan ang ilang progresibong mambabatas nitong Lunes para sa imbestigasyon sa iniulat na hindi awtorisadong bank transactions sa BDO Unibank Inc. accounts.

Sa paghahain ng House Resolution 2405, hinikayat nina Bayan Muna Representatives Ferdinand Gaite, Eufemia Cullamat, at Carlos Zarate ang House committee on banks and financial intermediaries na imbestigahan, ang naiulat na unauthorized bank transactions.

“More than the admission of the occurrence of security breach or fraud and pursuing reactive measures, the members of the banking industry, as well as the BSP, should put in place more protective measures and policies to protect the interest of the public and the integrity of the banking transactions,” giit ng mga mambabatas.

“Moreover, in the immediate, there is a need for speedy reimbursements of the affected consumers of their lost hard-earned money,” dagdag pa nila.

Matatandaang sa pagtatapos ng linggo ay kumalat ang mga ulat ukol sa ilang mga kliyente ng BDO na nabiktima ng panloloko, kung saan nangako ang kumpanya na papalitan ang halagang nawala sa mga apektadong kliyente.

Tinitingnan na ng BSP ang isyu ng data breach sa mga naturang BDO accounts. Nakikipag-ugnayan na rin ito sa stakeholders para sa reimbursement ng unauthorized bank transfers.

Nangako naman ang BSP na gagawin ang lahat ng makakaya upang masiguro ang seguridad ng online bank transactions.

Samantala, nanawagan naman ang BDO sa mga kostumer nito na magpalit ng kani-kanilang password upang maprotektahan ang kanilang account. RNT/SA