Online learning tools inilabas na ng DepEd

Online learning tools inilabas na ng DepEd

July 29, 2020 @ 8:30 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inilabas na ng Department of Education (DepEd) ang isang online learning tool para matulungan ang mga guro at magulang na maturuan ang kanilang mga anak o estudyante habang nasa bahay sa gitna ng coronavirus pandemic.

Sa ulat, ang Learning Management System (LMS) ay para sa virtual classes kung saan ang mga guro ay makapaggagawa ng kanilang mga aralin at mababantayan din ang performance ng mga estudyante.

Bukod sa LMS, inilunsad din ang DepEd Commons, repository g Open Educational Resources (OERs); Electronic Self-Learning Modules (e-SLMs); at iba pang multimedia lectures episodes.

“Right now we have about 8 million subscribers wherein lessons, homework, quizzes are all in the DepEd commons and are even accessible to the parents,” pahayag ni DepEd Secretary Leonor Briones.

“So we have instances of parents who are abroad and are monitoring their children can also go through the system and check how their children are performing,” dagdag pa nito.

Maa-access ang DepEd Commons at DepEd LMS sa pamamagitan ng smartphones, desktop computers, laptops, at tablets. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...