Online Mass para sa mga namayapang kaanak, bukas sa publiko – CBCP

Online Mass para sa mga namayapang kaanak, bukas sa publiko – CBCP

October 31, 2022 @ 7:06 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Pinaalalahanan ng Simbahang Katolika ang mananampalataya lalo na sa mga bibisita sa kanilang namayapang kaanak sa sementeryo at columbaria na maari pa rin silang mag-alay ng panalangin at Mass intentions online.

Sa social media post, binanggit ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang kanilang online feature sa kanilang website ay maaring maa-access ng publiko.

“Should you wish to request for prayers and/or Masses to be said for the souls of your loves ones and the poor souls in purgatory, kindly click the link to the online form provided,” dagdag pa ng CBCP.

Sa mga nais mag-alay ng mga panalangin at Misa para sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay ay maaaring mag-access sa link na https://cbcpnews.net/cbcpnews/mass-intentions/. Jocelyn Tabangcura-Domenden