Online oathtaking ng bagong agriculturists sa Feb. 10 na

Online oathtaking ng bagong agriculturists sa Feb. 10 na

January 21, 2022 @ 5:00 PM 8 months ago


MANILA, Philippines- Ikinasa sa Pebrero 10 ang online oathtaking ng mga pumasa sa Agriculturists Licensure Examination.

Inilahad ng Professional Regulation Commission na magsisimula ang online oathtaking ng alas-10 ng umaga sa pangunguna ng PRC-Tuguegarao sa Microsoft Teams o Zoom.

Pinaalalahanan naman ng komisyon ang inductees na magsuot ng formal o business attire at gumamit ng puting backdrop (white physical o virtual background) sa oathtaking ceremony.

“Please secure an online appointment schedule at http://online.prc.gov.ph and select ‘e-OATH’ as transaction,” ayon sa PRC.

Dagdag nito, magsasara ang online registration limang araw bago ang virtual oathtaking day.

Sinabi rin ng PRC na kailangang mag-print ng inductees ng “Oath of Professional” form na makikita sa PRC Online Services. RNT/SA