Online oathtaking ng bagong nurses kasado sa Oct. 26

Online oathtaking ng bagong nurses kasado sa Oct. 26

October 3, 2022 @ 8:24 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Professional Regulation Commissions (PRC) na ang mga pasado sa Nurses Licensure Examination ay magkakaroon ng virtual oathtaking sa Oktubre 26, 2022.

Inihayag ng PRC na gaganapin ang online oathtaking ng alas-2 ng hapon sa pangunguna ng  PRC-Iloilo sa Microsoft Teams o Zoom.

Inabusuhan naman ng komisyon ang inductees na suotin ang gala uniform at cap at gumamit ng white backdrop sa oathtaking ceremony.

Kinakailangan ding kumuha ng online appointment schedules sa http://online.prc.gov.ph at piliin ang “e-OATH” bilang transaksyon.

Magsasara ang online registration limang araw bago ang virtual oathtaking day, ayon sa PRC.

Rekisitos ain sa inductees na mag-print ng “oath of professional” form na makukuha sa PRC official website sa ilalim ng PRC Online Services. RNT/SA