Online oathtaking ng mga bagong nars itatakda sa Hulyo 26

Online oathtaking ng mga bagong nars itatakda sa Hulyo 26

July 13, 2021 @ 2:00 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) na itatakda ang oath taking  ng mga bagong nakapasa sa Nurses Licensure Examination sa Hulyo 26.

Itatakda ito sa ganap na 1 p.m.sa pangunguna ng PRC Iloilo via Microsoft Teams o Zoom.

Hinikayat naman ang mga dadalo na magsuot ng formal o business attire at gumamit ng puting background sa oathtaking ceremony.

Ipinase-secure din ang online appointment schedule sa http://online.prc.gov.ph,

“The online registration will close five calendar days before the virtual oathtaking day,” lahad ng PRC.

“Inductees are required to print ‘Oath of Professional’ form that is downloadable at the PRC Online Services.” RNT/FGDC