Online oathtaking ng Real Estate Brokers, Real Estate Appraisers, Real Estate Salespersons ikakasa sa Hunyo 17, Hulyo 7

Online oathtaking ng Real Estate Brokers, Real Estate Appraisers, Real Estate Salespersons ikakasa sa Hunyo 17, Hulyo 7

June 1, 2021 @ 3:28 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Nakatakdang magdaos ng online oathtaking ang mga pumasa sa Licensure Examinations for Real Estate Brokers and Real Estate Appraisers at mga bagong Real Estate Salesperson.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), isasagawa ito sa Hunyo 17 at Hulyo 7 sa ganap na 10:00 ng umaga sa pamamagitan ng Microsoft Teams o Zoom.

“Inductees shall wear a formal or business attire and use a white backdrop (white physical or virtual background) throughout the oathtaking ceremony,” anila.

“Please secure an online appointment schedule at http://online.prc.gov.ph and select ‘e-OATH’ as transaction,” dagdag ng PRC.

Paalala ng PRC na isasara ang online registration limang araw bago ang araw ng oathtaking.

Kailangan ding mag-print ng “Oath of OF Professional” na maaaring ma-download sa PRC Online Services.

Para sa proseso ng aplikasyon maaaring bumisita sa https://www.prc.gov.ph/article/online-oathtaking-application-system/4532.

Habang ang registration at ceremony protocols ay makikita sa https://www.prc.gov.ph/sites/default/files/2020-1255%20revised.pdf. RNT/ELM