Online police clearance system ibinida ng DILG

Online police clearance system ibinida ng DILG

September 23, 2020 @ 6:50 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines-Ibinida ng Department of the Interior and Local Government ang paggulong ng  National Police Clearance System na makatutulong sa pagkakaaresto ng mas maraming kriminal at magpapabilis sa aplikasyon ng police clearance sa inisyal na 186 police station sa bansa.

Isinalarawan ni DILG Secretary Eduardo M. Año ang online NPCS na malaking hakbang sa pag-iwas sa krimen at pagkakaroon ng kapayapaan sa komuidad lalo na sa panaho ng COVID-19 pandemic.

Aniya, pabibilisin ng sistema ang pagsuyod sa masasamang elementong nagtatago dahil ang mga data ay magiging “synchronized nationwide” at hindi lang sa local level.

Sa sandaling maging operational ang sistema, mahihirap ang mga kriminal na kumuha ng police clearance sa ibang lugar at hindi na rin sila pwedeng magpalipat-lipat para magtago.

Lahat ng aplikante ay pwedeng magparehistro online o sa alinmang police station sa kanilang lugar. Magdala lang ng dalawang valid ID, reference number at resibo ng pinagbayaran.

Aniya, ang paggulong ng NPCS ay bahagi ng digital transformation ng Philippine National Police para maka-adapt sa new normal.

Batay sa rekord ng PNP Directorate for  Investigation and Detective Management, may 36 wanted personalities ang naaresto simula nang ipatupad ang naturang online system.

Sinabi naman ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na umaabot sa 1,711 PNP personnel sa buong bansa ang sumailalim sa NPCS User’s Training as Verifier, Clearance personnel and Help Desk Personnel’ para matiyak na magagamit nang husto ang online system. RNT 


  •  
  •  
  •  

Loading...