Online registration para sa Sinovac vax sa Makati sinimulan na

Online registration para sa Sinovac vax sa Makati sinimulan na

February 27, 2021 @ 11:41 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Binuksan na ng Makati City ang pre-registration system para sa kanilang mga nasasakupan sa mga magpapaturok ng COVID-19 vaccine mula sa  Chinese firm na Sinovac.

Ang mga pasyenteng may kasaysayan ng COVID-19 ay maaaring magparehistro tatlong buwan makaraan silang tamaan ng virus.

Habang ang mga nakararanas ng sintomas ay inabisuhang humingi ng konsultasyon sa isang health center at mag-self-quarantine bago mag-sign up.

Prayoridad naman dito ang medical frontliners sa pribado at pampublikong health facilities at susundan naman ng nursing aides, janitors at barangay health workers. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •