Online sabong, iba pang legal electronic betting patawan ng tax – Salceda

Online sabong, iba pang legal electronic betting patawan ng tax – Salceda

October 28, 2020 @ 7:19 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Para makalikom ng dagdag revenue, isinusulong ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay Rep. Joey Salceda na patawan ng buwis ang legal online sabong at iba pang legally-operated electronic betting activities sa bansa.

Sa inihaing House Bill 7919 ni Salceda, sinabi nito na bukod sa dagdag kita ng gobyerno ay masisiguro pa ang transparency at accountability sa ganitong laro.

“The operations are already legal, by virtue of local ordinances, but the electronic aspect of it is a legal gray area.Because of the ambiguity, we are unable to levy national taxes on these activities, or look into their operations. My bill addresses that concern,” paliwanag ni Salceda.

Aniya,ang makukuhang dagdag buwis ay maaring gamiting pondo sa COVID 19 response ng gobyerno.

Sa panukala ni Salceda ay papatawan ng 5% gross revenue ang online betting na ibabase sa Offsite Betting Activities on Locally Licensed Games, hiwalay umano sa buwis na ipinapataw ng local government units.

Nais ni Salceda na ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ang syang mangsiwa sa pagpapataw ng buwis.

“This measure is consistent with my view that all gambling activities that the law allows should be highly beneficial to the government’s fiscal position. Otherwise, what is the point of allowing them?” depensa pa ni  Salceda sa pagpapatawnng dagdag na buwis.

Sinabi ng opisyal na kung ang LGUs ang nagbibigay ng permit at kumukuha ng buwis at dapat ganun din sa panig ng national government.

“Nandyan na ‘yan. Legal na sa maraming bayan. Pakinabangan na ‘lang natin dahil kailangan ng gobyerno ng pondo para labanan ang COVID-19. At lagyan ng safeguards, para kayang bantayan ng gobyerno,” giit pa nito.

Naniniwala si Salceda na kailangan na may oversight ang national government sa ganitong mga palaro dahil kung hindi ay magkakaroon ng ” free-for-all sa local level. Gail Mendoza


  •  
  •  
  •  

Loading...