Online seller hinoldap ng kapitbahay; suspek tiklo

Online seller hinoldap ng kapitbahay; suspek tiklo

January 24, 2022 @ 3:31 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Arestado ang isang 45-anyos na mister ng mga nagpapatrulyang tanod matapos holdapin ang dalagang kapitbahay sa San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang suspek na si Benjie Gasita, 46, may-asawa habang ang biktima ay itago sa pangalang Jenny,27,dalaga,online seller kapwa residente ng Blk 11 ng Brgy.Gumaoc West.

Sa report ng SJDM police,nangyari ang insidente bandang 5:00 pm nitong Sabado,Enero 22 sa naturang lugar.

Ayon sa imbestigasyon,naglalakad pauwi ang biktima nang biglang harangin ,tuutukan ng kitchen knife ng suspek at nagdeklara ng holdap.

Puwersahang kinuha ng suspek ang pouch bag ng biktima at mabilis na sumibat sa lugar.

Masuwerteng dumaan naman si Brgy.Captain Manolito at mga tanod na kasalukuyang nagpapatrol sa lugar kaya nakahingi ng saklolo ang biktima.

Dahil dito,tinugis ng mga tanod ang suspek kaya nahuli ito kalauanan sa di-kalayuan sa lugar.

Narekober sa suspek ang kinuhang pouch bag kabilang ang pasaporte at P2,000.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek habang humihimas ng rehas na bakal sa naturang istasyon.(Dick Mirasol III)