Online seller, kasabwat timbog sa P.4M tobats

Online seller, kasabwat timbog sa P.4M tobats

September 2, 2022 @ 12:33 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Isang online seller at isa pang kasabwat na parehong di-umano’y kabilang sa listahan ng high value individuals (HVI) ang dinakip ng mga miyembro ng Southern Police District-District Drug Enforcement Unit (SPD-DDEU) na nakuhanan ng P408,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation nitong Septembre 1 sa Las Piñas.

Kinilala ni SPD director P/Col. Kirby John Brion Kraft ang mga arestadong suspeck na sina Jerome Carillas, 28, online seller, at Ronie Regonios, 40.

Base sa report na isinumite kay Kraft ay nagging matagumpay ang ikinasang buy-bust operation ng DDEU laban sa mga suspects dakong alas 5:00 ng umaga sa kahabaan ng Canaynay Road, Barangay Manuyo Dos, Las Piñas City.

Ayon kay Kraft, bago pa man madakip sina Carillas at Regonios ay parehong HVI at street value individual (SVI) nauna munang isinailalim sa surveillance ng DDEU ang mga suspects bago pa man madakip ang mga ito.

Nakumpiska ng mga operatiba sa mga suspects ang 11 plastic sachets ng shabu na tumitimbang ng 60 gramo na nagkakahalaga ng P408,000 at ang P500 buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Ang mga suspects na kasalukuyang nakapiit sa DDEU custodial facility habnag nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Article 5 at 11 ng RA 9165 (illegal possession of prohibited drugs). James I. Catapusan