Online seller na nagbanta sa ninang arestado sa QC

Online seller na nagbanta sa ninang arestado sa QC

December 27, 2022 @ 7:21 PM 1 month ago


San Jose Del Monte (SJDM), Bulacan – Arestado ang isang Online seller na umanoy nagbanta sa buhay ng isang ginang sa ikinasang intelligence operation drive ng mga awtoridad sa Quezon City (QC).

Kinilala ang akusadong si Kimberly Ann Santos alyas Kim Santos, 32, dalaga, businesswoman, residente ng Brgy. Commonwealth.

Sa report, naaresto ang akusado ng pinagsanib na puwersa SJDM police at Batasan Station 6 Police station sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Grave Threats in relation to Sec. 6 of R.A 10175 na inisyu ni Hon. Emmanuel Cacho Rasing, presiding judge ng RTC, Branch 3, Baguio City nitong Disyembre 12, 2022 na may P24,000.00.

Nag-ugat ang kaso sa reklamo ng isang Daisy Giliberte na mas kilala sa pangalang “Ninang” na sinasabing pinagbantaan ang buhay at kanyang pamilya nang nadakip na akusado

Pansamantalang nakakulong ang akusado sa SJDM police station custodial facilities para sa kaukulang dokumentasyon. Dick Mirasol III