Online seller na wanted, nabingwit sa Navotas

Online seller na wanted, nabingwit sa Navotas

November 18, 2022 @ 12:35 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Isang 22-anyos na online seller na listed bilang most wanted ang nalambat sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado bilang si Joshua Atienza, online seller at residente ng No. 211 R. Domingo St., Brgy. Tangos North, Navotas City.

Ani Col. Ollaging, nakatanggap ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas police na naispatan ang presensiya ng akusado sa kanilang lugar.

Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, nagsagawa ang mga operatiba ng at Sub-Station 2 ng Navotas police ng joint manhunt operation in relation to SAFE NCRPO na nagresulta sa pagkakaaresto kay Atienza sa kanyang bahay dakong 1:15 ng hapon.

Si Atienza ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Romana M. M. P. Lindayag-Del Rosario ng Regional Trial Court (RTC) Branch 287, Navotas City na may petsang November 3, 2022 para sa kasong paglabag sa Section 12, Art. II of RA 9165. Boysan Buenaventura